Miyerkules, Setyembre 26, 2012

Ikaw at ang pamilya mo



Solusyon sayo at pamilya mo.
By: Jaya Razon

In a family relationship, there should be this thing called love.
Above all, your family is the one who will guide you, cherish you, understand you, and stand with you without getting tired of backing you.
Kung sa panahon ngayon at hindi mo pa din pinapahalagahan at nakikita ang pagmamahal, pagsasakripisyo at pag-aaruga sa iyo ng pamilya mo-nanay, tatay, kapatid, lolo, o lola-ay dapat ka nang magising sa iyong pagkahibang.
Kung may bagay na nagawa sa iyo ang pamilya mo na hindi mo nagustuhan o pinagmulan ng sama ng iyong loob, oras na siguro para sagutin mo ang mga tanong na:Sinasadya ba nila ito? Para saan ba ang ginawa nila na ito? Makabubuti ba ito sayo? May masama ka bang nagawa? O masama ba ang ginagawa mo ngayon?
Dahil ang kapamilya mo ay may dahilan sa lahat ng bagay. Hindi mo nakikita, hindi mo napapansin o nagbubulag-bulagan ka lang talaga.
Sa aking obserbasyon sa mga kabataan ngayon, gusto nilang ‘sila’ ang masusunod sa lahat. Pero sino ba ang bumubuhay sa kanila? Sa iyo? Hindi ba ang mga magulang na kulang na lang ay itakwil mo?
Hindi ko sinasabi na hindi ka dapat masunod. Kung ikabubuti at ikasasaya mo ay nararapat mo lang na makamit iyon pero kailangan na alamin mo din ang mararamdaman ng iba. Kung karapatan mo ay nararapat sa iyo. Kung mali ang katwiran ng pamilya mo ay ipaliwanag mo para maitama ang nakikita nilang mali. Yun ay kung alam mo na nasa katwiran ka. Huwag mong ipaglaban ang mali dahil mali din ang magiging resulta.
Hindi ka nabubuhay sa isang bahay na walang laman,o kung mag-isa ka man ay may umaalalay pa din sa iyo. Kaya hindi tama na sarili mo lang ang iisipin mo. Dahil may masasaktan at maaapektuhan sa paligid mo at higit sa lahat ay sa buhay mo.
Ang bagay na ito ay hindi lang para sa ikabubuti ng pamilya mo. Ito ay makabubuti din sa sarili mo. Kung ang isang tao ay may problema sa pamilya o bahay ay magpapatuloy lang na may problema ang buhay ng isang tao kung hindi agad masusulosyunan.
Hindi lahat ng tao ay naiisip ang mali sa paligid nila. O kung may kulang bas a buhay nila. Kung may dapat bang ayusin o kung aayusin ba dapat nila. Pero may mga tao din na nakikita na ay pinapalala pa. mali yon.
Dahil ang problema, kung dumarating na, ay supungin na agad. Hindi yung susumpungin ka pa at mapapalala lamang ang iyong problema.
In family, it needs a lot of understanding.
Kung hindi kayo magkakaintindihan ng isa ay hindi kayo magkakaintindihan ng lahat.
It takes time to move on in a lover’s relationship. But in a family relationship, there’s a lot of time to talk to move on things.
Kung hindi ka gagalaw, at hindi din sila gagalaw, walang mangyayari. Kung naiinis ka na, sa lahat ng problema at hindi pagkakaintindihan, wag mo lalong gawing pariwara ang sarili mo.
Oras na may problema sa kanila, tandaan mo, may problema na din sayo.
Sa buhay, kapag may maliit na sunog, hindi mo dapat panuorin lang. Dahil hindi mawawala ang sunog kung tititigan mo lang.
Dapat gumawa ka ng paraan para mawala ito. Para walang masaktan o maperwisyo.
Sa lahat ng pagkakataon ay kasama mo ang pamilya mo, yun ang itatak natin sa isip sa oras ng masasamang sandali.
There’s always a way when there is a will.
Kung sisimulan mo na ngayon, maaga kang matatapos.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento