Solusyon sayo at pamilya mo.
By: Jaya Razon
In a family
relationship, there should be this thing called love.
Above all, your
family is the one who will guide you, cherish you, understand you, and stand
with you without getting tired of backing you.
Kung sa panahon
ngayon at hindi mo pa din pinapahalagahan at nakikita ang pagmamahal,
pagsasakripisyo at pag-aaruga sa iyo ng pamilya mo-nanay, tatay, kapatid, lolo,
o lola-ay dapat ka nang magising sa iyong pagkahibang.
Kung may bagay na
nagawa sa iyo ang pamilya mo na hindi mo nagustuhan o pinagmulan ng sama ng
iyong loob, oras na siguro para sagutin mo ang mga tanong na:Sinasadya ba nila
ito? Para saan ba ang ginawa nila na ito? Makabubuti ba ito sayo? May masama ka
bang nagawa? O masama ba ang ginagawa mo ngayon?
Dahil ang kapamilya
mo ay may dahilan sa lahat ng bagay. Hindi mo nakikita, hindi mo napapansin o
nagbubulag-bulagan ka lang talaga.
Sa aking obserbasyon
sa mga kabataan ngayon, gusto nilang ‘sila’ ang masusunod sa lahat. Pero sino
ba ang bumubuhay sa kanila? Sa iyo? Hindi ba ang mga magulang na kulang na lang
ay itakwil mo?
Hindi ko sinasabi na
hindi ka dapat masunod. Kung ikabubuti at ikasasaya mo ay nararapat mo lang na
makamit iyon pero kailangan na alamin mo din ang mararamdaman ng iba. Kung karapatan
mo ay nararapat sa iyo. Kung mali ang katwiran ng pamilya mo ay ipaliwanag mo
para maitama ang nakikita nilang mali. Yun ay kung alam mo na nasa katwiran ka.
Huwag mong ipaglaban ang mali dahil mali din ang magiging resulta.
Hindi ka nabubuhay sa
isang bahay na walang laman,o kung mag-isa ka man ay may umaalalay pa din sa
iyo. Kaya hindi tama na sarili mo lang ang iisipin mo. Dahil may masasaktan at
maaapektuhan sa paligid mo at higit sa lahat ay sa buhay mo.
Ang bagay na ito ay
hindi lang para sa ikabubuti ng pamilya mo. Ito ay makabubuti din sa sarili mo.
Kung ang isang tao ay may problema sa pamilya o bahay ay magpapatuloy lang na
may problema ang buhay ng isang tao kung hindi agad masusulosyunan.
Hindi lahat ng tao ay
naiisip ang mali sa paligid nila. O kung may kulang bas a buhay nila. Kung may
dapat bang ayusin o kung aayusin ba dapat nila. Pero may mga tao din na
nakikita na ay pinapalala pa. mali yon.
Dahil ang problema,
kung dumarating na, ay supungin na agad. Hindi yung susumpungin ka pa at mapapalala
lamang ang iyong problema.
In family, it needs a
lot of understanding.
Kung hindi kayo
magkakaintindihan ng isa ay hindi kayo magkakaintindihan ng lahat.
It takes time to move
on in a lover’s relationship. But in a family relationship, there’s a lot of
time to talk to move on things.
Kung hindi ka
gagalaw, at hindi din sila gagalaw, walang mangyayari. Kung naiinis ka na, sa
lahat ng problema at hindi pagkakaintindihan, wag mo lalong gawing pariwara ang
sarili mo.
Oras na may problema
sa kanila, tandaan mo, may problema na din sayo.
Sa buhay, kapag may
maliit na sunog, hindi mo dapat panuorin lang. Dahil hindi mawawala ang sunog
kung tititigan mo lang.
Dapat gumawa ka ng
paraan para mawala ito. Para walang masaktan o maperwisyo.
Sa lahat ng pagkakataon
ay kasama mo ang pamilya mo, yun ang itatak natin sa isip sa oras ng masasamang
sandali.
There’s always a way
when there is a will.
Kung sisimulan mo na
ngayon, maaga kang matatapos.